i got tagged by Chuvaness…
1. Kamusta araw mo?
- nakakainis ng konti. hindi ko alam kung bakit may mga taong hindi marunong tumupad ng kanilang mga pangako!
- may konting worry kasi may sakit ang bunso ko
- pero masaya pa rin! still blessed to be breathing at this moment
2. Napagalitan ka ba ng kahit sino ngayon? Sino?
- wala naman… buti na lang!
3. Anong kinain mo ng lunch?
- friend chicken na sinunog ng kasambahay namin dahil nag-prito ng alas-dos ng madaling araw. buti na lang masarap yung pag-marinate ng asawa ko kaya yummy pa rin!
4. Sino kasabay mong nagbreakfast?*
- mag-isa lang ako kasi hindi nagising husband ko. napuyat kasi kakabantay sa bunso naming inuubo.
5. May gawaing palpak ka ba ngayon?
- wala naman…
6. Anong tugtog ang huli mong napakinggan?
- nung sunday pa ang last tugtog na napakinggan ko. humayo’t ihayag ng bukas palad
7. Sinong idol mo?
- maliban kay Jesus, madami pang iba!
8. May kinakatakutan ka ba ngayon?
- hindi naman takot. concern lang. yung bunso ko may sakit kasi, gusto i-confine ng pedia.
9.Ano gagawin mo bukas?
- mag-homeschool sa mga bata…
10. Sino gusto mo makita ngayon? Bakit?
- at this minute, yung bunso ko
11. Kailan ka huling umiyak?
- nung weekend. sa sobrang frustration, napaiyak ako.
12. Anong dahilan?
- see number 1
13. Anong latest realization mo?
- na may mga taong takot tumupad sa mga pangako nila
14. Nahold-up ka na ba?
- sa awa ng Diyos at ng mga holdupper, hindi pa naman
15. Magbigay ka nga ng linya ng kantang nakaka relate sayo..
- "It is not length of life, but depth of life." (Ralph Waldo Emerson)
16. Sino ang kinababaliwan mo ngayon?
- asawa ko!!! (takot ko lang pag iba ang isagot ko, haha!)
17. Sinong online sa messenger service na gamit mo?
- madami sila
18. Ilan ang friendster account mo?
- isa lang po..
19. May sarili ka bang digital camera?
- meron pero yung mumurahin lang
20. Anong kinakain mo ngayon?
- curly tops
21. Gusto mo pa bang makipagbalikan sa kahit sinong ex mo?
- hindi na no! (ganun ulit, baka awayin ako ng asawa ko! seriously, no. i am happy with my significant other)
22. Nasubukan mo na bang makatapak ng ipis?
- yes at nakakadiri
23. Anong lagi mong salitang binabanggit?
- okay
24. ano ang favorite number mo?
- hmm… wala
25. Bakit?
- ewan ko
26. Anong event ang pinakahihintay mo?
- ang magkaroon ng sariling bahay!
27. Anong mahalagang pangyayari ang magaganap next week?
- lilipat kami ng bahay (sana!)
28. Gusto mo bang makapag-aral sa ibang bansa?
- wish ko lang!
29. Nagpaplano ka na ba ng kasal?
- kasal nino? ng anak ko? ngye!
30. Sino ang huling niregaluhan mo?
- kaibigan ko
31. Ano ang kulay ng karamihan sa t-shirts mo?
- red at black
32. Paano mo sinasabi sa isang tao na may gusto ka sa kanya?
- sinasabi ko kung bakit ko sya gusto
33. Saan mo gustong mapunta 2-3 years mula ngayon?
- hmmm…. ang dami eh
34. Sinong namimiss mo ngayon?
- Mama ko
35. May kababata ka ba?
- ang dami at mga bata pa kami hanggang ngayon
36. Music video na huli mong napanood?san?
- wala eh… boring talaga ako
37. San ka mahilig makinig ng music?
- sa laptop ko
38. Album na lagi mong pinapatugtog?
- hillsong, the katinas… mga love songs…
39. Nakakilala ka ba ng bagong friends?
- ang dami rin!
40. Graduate ka na ba?
- hay salamat, yes!
41. Nasaan mga magulang mo?
- tatay ko, hindi ko alam… nanay ko, nasa bahay nya
42. Mahilig ka bang manapak?
- hindi po… takot ako baka masapak din ako
43. Sino sa mga kaibigan mo ang huling nakasama mo?
- mga kasama ko sa community namin
I am tagging Rochelle & Abby